Monday, November 22, 2010

Kudos to All Finalists of Saranggola Blog Awards Year Two

Saranggola 150x150 Congrats po sa lahat po ng mga napiling Finalists ng Saranggola Blog Awards Year 2 ni Ginoong Bernard Umali. Hanggang sa huling kabanata ng patimpalak na ito, ako po ay patuloy na susubaybay at makikiisa sa iba pang mga blogista, kaibigan at mga bisita.

Ito ang naisipan kong suporta hindi lamang para sa isang Finalist kungdi para sa lahat ng mga Finalists na muling maglalabanlaban para piliin ang pinakamahusay at pinakamagaling na manunula at manunulat sa iba’t-ibang kategorya. At akin din po iniimbitahan ang mga kaibigan, iba pang kablogista at mga bisita na makiisa at makisaya sa pagpili sa tatanghaling tsampiyon sa kompitisyong ito. Ang mga boto ninyo ay mahalaga!

Meron pong approximately 31 na lahok sa patimpalak ng Maikling kuwento, 30 naman po sa Tula at 19 naman po sa Maikling Kuwento na Pambata. Lahat po sila ay masinsinang hinusgahan ng mga hurado sa loob ng isang buwan at ang naging resulta ay lumabas ang pinakamahuhusay na mga lahok mula sa mga mahuhusay na mga lumahok.

Sa Maikling Kuwento lima po ang napiling Finalists.

1. Ang Dalawang Tulay ng Balat-Kahoy - Oh, My Doodles!
2. Dalawang Sintas - Kwento ni Kat
3. Gabay - Goyo's Adventure
4. Kimchi - Lipadlaya
5. Saranggola ni Pippin - It's A Small World After All

Sa Tula ay meron pong anim Finalists.

1. Bukas Kaya - Tula (at tuwa) ni Au
2. Mga Signos - Kwento ni Kat
3. Nasa Tao ang Gawa, Nasa Kalikasan ang Gantimpala - Aspectos de HitokiriHOSHI
4. Panaghoy ng Inang Kalikasan - Animus
5. Sa Bundok ng Monte Cristo - 2Rivers
6. Tatlong Tula sa Kalikasan - Breathing the SSDD Mantra

Sa Kuwentong Pambata ay meron pong limang Finalists

1. Ang Kaharian ng Kawayan - Maskara
2. Ang Regalo ko kay Mama - Princess Nin's Blog : words from a Princess
3. Bakit si Maya ang Napili - Lipadlaya
4. Luis Madungis - Eloiski.com
5. Nang Matutong Magsaing si Jason - Ang Alingawngaw ng Taribong

proudlypinoy Kung papaano bumoto – simple lang. Una basahin ninyo muna ang mga napiling lahok. Sa ibaba ng kanilang mga kuwento at mga tula makikita ang Facebook Like Button. Kung nagustuhan ninyo ang kuwento o tula pindutin ninyo ang Facebook Like Button. Kung gusto ninyo magbigay ng komento sa inyong nabasa at nagustuhang sulatin tiyak ko ay buong pusong tatanggapin at pahahalagahan iyon ni Ginoong Bernard Umali. Kaya simulan niyo na na buksan ang mga entries above para sa inyong mga boto! Para sa karagdagang impormasyon click the link: TOP 5 Finalists - Saranggola Blog Awards Year 2!

Marami pong salamat sa inyong oras at pakikiisa.

Hit Daxen and Become our Daxen Partners!

No comments:

Post a Comment